Posts

Showing posts from June, 2020

Black australorp info

Image
Sa aking experience at kung ako ang tatanungin ang black australorp ang isa sa pinakamagandang free range chicken na aking naalagaan. tatanungin mo marahil kung bakit? dahil matibay ang kanilang pangangatawan matibay sila sa lamig at sakit tulad ng native chicken sa pilipinas  ang kanilang resistensya. Mabibigat sila at higit sa lahat masipag mangitlog ang mga black austalorp. Ang itlog ng black australorp ay from medium to xxl. Tumitimbang naman ang manok na lalaki ng 4-5 kilos at 2-3 kilos naman sa babaeng manok. Madali silang alagaan at low maintenance din ang manok na eto kahit eto ay imported. Isa eto sa the best na heritage chicken na pwedeng pwede alagaan sa bakuran.

Barred plymouth rock info

Image
Ang barred plymouth rock or kadalasan tinatawag etong pbr ngunit mali po iyon ang tama at bpr. Etong lahi ng manok na eto ay maganda ring mangitlog tulad ng Rhode island red . Malalaki rin sila at dual pupose din ang manok na eto. Maganda ang kulay nila na bulik at nakaka engganyo rin alagaan ang lahi ng manok na barred plymouth rock. Magandang mangitlog ang mga barred plymouth rock at eto ay isa sa mga magagandang free range chicken na dapat alagaan. Madami ngayon ang demand ng klase ng manok na bpr dahil malalakas silang mangitlog tulad ng mga ibang heritage chicken breed.

Rhode island red info

Image
Ang rhode island red chicken or mas kilala sa pilipinas bilang RIR chicken ay isang manok na imported at inimport ng mga hobbiest na nag aalaga ng manok. Eto ay pumatok dahil sa kadahilanang sagana ang pilipinas sa magandang klima at malawa na lupain upang paglagyan ng mga manok at dito pumapasok ang free range. Namumuhay lang ang mga manok na malaya at nakakagala. Ang lalaking rhode island red ay tumitimbang ng 3-5 kilos sa kanyang max adult at ang babaeng rhode island red naman ay tumitimbang ng 2-3 kilos. Gustong gusto alagaan eto ngayon dahil sila ay dual purpose breed ibig sabihin ay pwede silang meat type sa lalaking rhode island red at egg type naman sa babaeng rhode island red. Ang itlog ng babaeng rhode island red ay kulay brown oh mas madalas na kilala bilang organic egg.