Black australorp info

Sa aking experience at kung ako ang tatanungin ang black australorp ang isa sa pinakamagandang free range chicken na aking naalagaan. tatanungin mo marahil kung bakit? dahil matibay ang kanilang pangangatawan matibay sila sa lamig at sakit tulad ng native chicken sa pilipinas  ang kanilang resistensya. Mabibigat sila at higit sa lahat masipag mangitlog ang mga black austalorp.


Ang itlog ng black australorp ay from medium to xxl. Tumitimbang naman ang manok na lalaki ng 4-5 kilos at 2-3 kilos naman sa babaeng manok. Madali silang alagaan at low maintenance din ang manok na eto kahit eto ay imported. Isa eto sa the best na heritage chicken na pwedeng pwede alagaan sa bakuran.

Comments

Popular posts from this blog

Rhode island red info

Barred plymouth rock info